Sa kabila ng mga dagok at pagsubok na dumadating sa ating buhay. Normal Lang na mataranta, matakot, o minsan ay umiyak pero matanong ko Lang:
“Nagagawa mo pa kayang makita ang sarili mo na malagpasan Ang problema?”
Sana ang sagot mo ay “Oo” sapagkat ang buhay ay hindi lang isang mahabang paglalakbay na may maikling oras at panahon bagkus ito pa ay sadyang mapaglaro.
Hindi ko alam kung anong mga problema ang iyong dinaramdam Kapatid pero nais ko ibahagi sayo ang aking mga natutunan sa aking mga matatalik na kaibigan, totoong kaibigan, pamilya, at sa sarili ko mismomg karanasan.
1.) Hindi lahat ng mga taong nasa paligid mo ay Pwede mong PAGKATIWALAAN (Not all of the people surrounds you are worth to be trusted)
πAng salitang “Tiwala” ay minsan ang dali nating ibigay at ipagpalit kung kaya't Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming naloloko at nasasaktan. KAYA MADAMING PA-FALL PERO HINDI KA NAMAN PALA SASALUHIN, madaming umuutang pero hindi ka naman babayaran, madaming sikreto na nabubunyag kase kahit sa sarili nila hindi nila kayang itago at pahalagahan ang sikreto nila kaya sinubukang magtiwala, maraming mga pangakong Hindi natutupad dahil mayroong nagtiwala at umasa, kaya maraming pamilyang nasisira dahil kahit kadugo mo Pwede Kang saksakin patalikod, at higit sa lahat maraming estudyante na walang tiwala sa sarili kaya kumokopya nalang lamang sila at umaasa lagi sa katabi π
PS. Minsan bago mo ipaubaya ang Tiwala mo sa iba subukan mo munang magtiwala sa Sarili mo kase Kung Hindi mo kayang magtiwala sa Sarili mo, kailan pa? :)
2. Lahat ng Tao ay NAGBABAGO (People Change)
π “Bago” nalang Ang salitang nanatiling hindi nagbabago sa panahon natin ngayon. Minsan Hindi tayo makuntento sa Kung anong meron tayo Kaya madalas tayong naghahanap Ng bago. Karamihan Ng mga tao ay nagbabago dahil kailangan, nasaktan, at biglaan.
☑Kailangan π - kase mahal mo yung mga taong nasa paligid mo at ayaw mo silang masaktan dahil sa negatibo mong ugali.
☑Nasaktan π - Alam Naman nating parte ng ating buhay Ang masaktan o sabihin natin madapa dahil sa pagmamadali sa isang bagay katulad nalang Ng PAGIBIG XD. Maraming taong nagbabago dahil natututo sa kanilang pagkakamali pagkatapos masaktan. Hindi din lahat ng nasaktan ay kayang tanggapin ang pagbabago dahil iba Ang nakasanayan at Marahil Yung iba Hindi pa nadala.
☑Biglaan π - Ito Yung pagbabago Ng isang tao na Hindi intentional madalas nainspired. Madalas Ang dahilan nito ay pagibig dahil LOVE COVERS AND CHANGES EVERYTHING ACCORDING TO ITS PLACE. Ito Yung tipo Ng pagbabago na Kung saan may ibat-ibang magagandang halimbawa o sitwasyon ilan sa mga ito ay… nung nakikilala nila si Lord sa kanilang buhay at nabago ang buong sila, nung may nagmahal sayo at unti-unti Kang nabago Ng Hindi mo napapansin dahil sa pagfocus mo sa love, o Kaya naman may nabasa o napanuod ka na relate ka at naconvince kang nabago not just in words but through actions.
3. Kung Prayoridad mo bibigyan mo ng ORAS (Know your PRIORITIES)
π Time is the only gift that cannot be replaced but might be forgotten by someone and still this is one of the most precious gift. Hindi na kase maibabalik Ang oras Kung Ito ay nasayang na at ang hirap paniwalaan na Wala Kang oras eh nagagawa pa nga nating magbasa Ng messages sa FB pero bakit messages sa Bible minsan Hindi natin magawang basahin? :) Isa sa natutunan ko sa Kuya ko Ang magbigay Ng oras kahit 1minute Lang sa taong importante o Mahal “Kive, itext mo Lang Kung anong ginagawa mo kahit busy ka para alam niya at maging komportable sya” madaling gawin kaso nauuna Ang hiya, takot at madalas ang pride pero realtalk WALANG MANGYAYARE KUNG YAN ANG PAIIRALIN. :) Kaya huwag sanang sayangin Ang oras sa maling tao, maling gawain, at sa ibat ibang sitwasyon sapagkat ang ORAS AY NAPAKAIKSI LANG PARA SAYANGIN.
4. Kontrolin Ang EMOSYON (Control your emotions)
π Maraming Relasyon Ang nasisira nang dahil sa salitang Emosyon. Mahirap mapigilan Ang Sarili na Hindi magalit o magtampo pero Life is matter of Choices so Practice to control your emotions. Pansin ko din kase karamihan saating mga Tao ay nagiiba ang mundo kapag andyan na Ang mga problema sa buhay Lalo na kapag sinamahan pa Ng mga assignments, projects, bayaran sa School, at iba pa pero normal Lang Yun. HUWAG GAGAWA NG ISANG PERMANENTENG DESISYON O PANGAKO DAHIL MASAYA KA kase ang pagsasagawa ng isang final decision and promises ay Hindi dapat nakabase say emosyon. HUWAG HAYAAN ANG SELOS AT GALIT NA KAININ ANG IYONG PERSONALITY kase Sure ako may mga Tao Kang masasaktan dahil mas tatalas ang dila mo at mas sasakit Ang mga salitang sasabihin mo. Kaya maraming nasisirang Relasyon dahil minsan dahil sa emosyon napapagalitan at nasasaktan mo na Yung taong Mahal mo.
5. Laging magPasalamat - Isa sa natutunan ko sa aking buhay para maging masaya ay maging KONTENTO sa kung anong meron. MINSAN HINDI KAILANGAN NG MATERYAL NA BAGAY PARA MAGING MASAYA KA, SUBUKAN MONG HUWAG HANAPIN ANG WALA at makuntento sa kung anong meron. Kaya bago matapos ang araw na Ito lagi Kang magpasalamat huwag na huwag mong iisipin na Wala Kang kwentang Tao dahil sa temporary na blue days, huwag na huwag mo ding isipin na Wala Kang magandang future, at huwag na huwag mo ding isipin na tanga ka dahil sa pagkakamali mo. EVERYDAY IS A SECOND CHANCE TO LIVE, CHANGE AND TAKE THE OPPORTUNITY THAT GOD HAS PLANNED FOR YOU. Kung Masama man araw mo “ISIPIN MO NALANG NA HINDI LANG IKAW YUNG MAY PINAKAMATINDING PROBLEMA NA PINAGDADAANAN NGAYON” -Gwapz
Kaya be thankful kase may buhay ka pa at Kaya mo pang baguhin ang kamalian na nagawa mo.
Conclusion:
GUMAWA NALANG NG PARAAN
IWASAN MAGREKLAMO BAGKUS GUMAWA NG PAGBABAGO AT IKAKALAGO MO
GAWIN MO ANG TAMA AT KUNG SAAN KA MASAYA BASTA WALANG MATATAPAKAN NA TAO! :)
LAGING MAGTIWALA AT MAHALIN ANG SARILI :)
MAGING MASAYA AT MAKUNTENTO KA MUNA SA KUNG ANONG MERON DAHIL ANG MGA BAGAY NA GUSTO NATIN AY DARATING SA TAMANG PANAHON ❤
Comments
Post a Comment