Worth Fighting For or Worth Waiting For?
Alam naman nating lahat na may mga bagay na hindi kailangang madaliin at hindi din lahat ng mga ipinaglalaban natin ay nanatili saatin. πŸ˜‰

Worth Fighting For..πŸ‘Š
Oo, Worth fighting for kung alam na natin o ramdam na nating siya na nga talaga pero bakit hindi minsan umaayon sa time? πŸ˜• Ika nga nila "lahat ng mga nangyayare saatin ay may rason at naayon base sa tamang panahon." 😢

Worth waiting for... πŸ’ž
Oo, Worth waiting for kung alam nating hindi pa iyon ang tamang panahon upang bigyang pansin masyado ang isang bagay sapagkat alam mo na nangangailangan pa ito ng sapat na oras. 😍 Ngunit alam mo nga rin ba kung kelan na susuko o bibitaw kung sa tingin mong wala ng pag asa?😫 Kase hindi lahat ng nag aantay ay may naantay at hindi lahat ng mga lumalaban ay nanalo. πŸ’”

Mahirap magdecide kung saan nga ba sa dalawa pero pwedeng piliin ang dalawa at pagsamahin.πŸ‘ It's just a matter of choices, giving efforts & sacrifices, and in how you react on the given problem. πŸ‘†Hindi din kase tama na wala kang ginagawa habang nag-aantay pero mas lalong hindi tama na madaliin ang isang bagay or sitwasyon na nangangailangan ng oras para lumago at magbunga. πŸ˜‡ Magandang ipaglaban kung ano at sino ang gusto mo pero laging isaalang-alang ang sitwasyon at oras kung iyon na nga ba ang tamang hudyat para bukas ang panibagong pinto ng ating buhay. πŸ’˜

Comments

Popular posts from this blog